Connect with us

Capiz News

Probinsya ng Capiz nakapagtala ng 10 panibagong nakarekober sa COVID-19

Published

on

Nakapagtala ng 10 panibagong nakarekober sa COVID-19 ang Capiz batay sa pinakahuling report ng Provincial Health Office (PHO) nitong Oktobre 11, Linggo.

Sa kabuuan, mayroon nang 444 mga nakarekober ang probinsiya mula sa kabuuang bilang ng kompirmadong kaso na 625 o katumbas ng 71.04 porsyento.


Mula sa kabuuang bilang, 147 naman ang aktibong mga kaso o katumbas ng 23.52 porsyento habang 34 naman ang patay o 5.44 porsyento.

Nitong Linggo, isa ang naitalang panibagong kaso ng PHO-Capiz. Isang 32-anyos na babae mula sa Roxas City na may exposure sa isang COVID-19 positive patient.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *