Categories: Capiz News

Online seller arestado sa Panitan, Capiz sa kasong Murder

Arestado ang isang online seller sa housing area sa Brgy. Timpas, Panitan, Capiz dahil sa kasong Murder.

Kinilala ang akusado na si Nicholas Dimagiba, 38-anyos, residente ng San Francisco Del Monte, Quezon City, Metro Manila.

Nabatid na ang akusado ay isang 12 Regional Most Wanted Person ng 2nd Quarter ng NCRPO.

Naaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Presiding Judge Juris Dilinila Callanta ng RTC Branch 85 sa Quezon City noon pang Abril 18.

Walang piyansa na itinakda ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Ayon kay PLt. Merry Chris Dela Cruz, hepe ng Panitan PNP, sangkot ang suspek sa pananaksak-patay sa Metro Manila noong 2015. Naaresto na aniya ang mga kasama nito sa krimen.

Pansamantalang nakakulong ngayon ang akusado sa Panitan PNP Station at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Panitan PNP, RIU 6 PIT Capiz sa pamumuno ni PLt. Rex Besa, RID6 sa pamumuno ni PCpt. John Khalev Sanchez, at Provincial Intelligence Unit sa pamumuno ni PMaj. Francisco Paguia, hepe ng PIU.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

1 day ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

1 day ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

1 day ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago