Connect with us

Capiz News

NEGOSYANTE SUGATAN MATAPOS PAGBABARILIN SA DUMARAO, CAPIZ

Published

on

Sugatan ang isang negosyante matapos pagbabarilin ang menamaneho nitong sasakyan sa Brgy. Sagrada Familia, Dumarao, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Romeo Bagaforo, 40-anyos, residente ng nasabing lugar. Kasama niya sa sasakyan nang maganap ang insidente ang kaniyang asawa na si Donna Joy Bagaforo.

Batay sa imbestigasyon ng Dumarao PNP, menamaneho ng biktima ang sasakyan nito na Nissan Escapade papuntang syudad ng Roxas para sana magdeliver ng mga farm products nang maganap ang insidente.

Bigla nalang umanong nakarinig ng dalawang putok ang mag-asawa. Bumaba ng sasakyan ang driver para usisain ang gulong ng sasakyan sa pag-aakalang gulong ng sasakyan ang pumutok.

Agad na bumalik ito sa sasakyan at muling pinaandar ang sasakyan. Dito na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang sasakyan ng negosyante.

Tinamaan sa kaniyang paa at kamay ang biktima rason para mawalan ito ng kontrol sa menamanehong sasakyan at dumiretso sa taniman ng mga tubo.

Isinugod sa Dao District Hospital ang biktima at kalaunan ay inilipat sa sa Western Visayas Medical Center para sa kaukulang paggamot.

Advertisement

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *