Connect with us

Capiz News

Motorsiklo inabanduna sa Roxas City

Published

on

Inabanduna ang motorsiklong ito sa Brgy. Baybay, Roxas City kaninang madaling araw sa gitna ng implementasyon ng curfew.

Batay sa report ng Roxas City PNP, nagbabantay ang pulis na si PSSg. Vincent Verano sa outpost sa nasabing lugar kasama ang ilang mga tanod nang mapansin nila ang papalapit na dalawang motorsiklo.


Kinawayan ng pulis ang mga hindi pa nakikilalang motorista pero bumalik ang mga ito bagay na sinundan ng pulis at mga tanod dahil sa kanilang paglabag sa curfew ordinance.

Pinagsabihan pa umano sila ng pulis na huminto subalit pinaharurot pa ng mga driver ang patakbo sa kanilang motorsiklo pero hinabol parin ito ng pulis.

Pagdating sa Sitio So-ol, natagpuan ng pulis ang isang motorsiklo na inabanduna sa daan at mainit pa ang tambutso. Paniwala niya ito ay isa sa mga motorsiklong kaniyang hinabol.

Nasa kostudiya na ng Roxas PNP ang motorsiklo habang iniimbestigahan pa ng kapulisan ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *