Connect with us

Capiz News

Monares binantaan ng isang radio anchorwoman at mga supporters

Published

on

Nagparekord sa Roxas City PNP Station si Capiz Provincial Administrator Edwin Monares matapos makatanggap umano ng mga pagbabanta sa kaniyang buhay mula kay India Lavapiez, radio commentator ng Baskog Radyo, at sa mga supporter nito.

Ayon sa kaniyang salaysay sa kapulisan, natanggap umano niya ang mga pagbabanta sa kaniyang buhay sa pamamagitan ng text at mga chat sa Facebook kaugnay aniya sa mga kasinungalingang ibinabato sa kaniya ni India.

Inaakusahan umano ng mga ito ang Provincial Administrator na pagpapatayin niya ang mga announcer ng Baskog Radyo at nalalaman na nila kung sino ang mga taong binayaran niya para patayin sila.

Nagbanta rin umano si India sa opisyal sa kaniyang programa sa Radyo na kung magkikita sila ng personal ay sasampalin nito si Monares at sasaktan ito.

Sinisiraan rin umano ng nabanggit na radio anchorwoman ang pagkatao at ang posisyon ni Monares bilang administrator ng probinsiya na marami na umano itong nagawang krimen bilang opisyal ng gobyerno.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *