Connect with us

Capiz News

Misis patay matapos makuryente sa Cuartero, Capiz

Published

on

Patay ang isang 29-anyos na misis sa Brgy. Poblacion Ilawod, Cuartero, Capiz matapos makuryente sa loob ng kanilang bahay.

 


Hindi na binanggit ng Cuartero PNP ang pangalan ng biktima.

 

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, pinaniniwalaang nakuryente ang biktima makaraang isaksak sa extension ang plug ng washing machine para sana maglaba.

 

Natagpuan nalang ng anak na nakahiga na sa sahig ang biktima at nangigitim na.

 

Isinugod pa sa ospital ang misis pero dineklara ring dead on arrival ng attending physician.

 

Nabatid na nasa abroad ang asawa niya kung saan nagtatatrabaho bilang isang seaman. Mayroon silang isang anak.

 

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang insidente.

Program/Beat: TODO Aksyon Years/background in Media works: 12 years Why chose this profession: IT'S MY PASSION.Principle in life: BE KIND TO ANIMALS.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *