Connect with us

Capiz News

Mga lalake sa mala-“UFC fight” sa viral video sa Roxas City humarap na sa kapulisan.

Published

on

Lumantad na sa kapulisan ang dalawang lalake na sangkot sa mainit na bakbakan sa Sitio Nasagud, Brgy. Lanot, Roxas City nitong Mayo 6 na naging viral sa social media.

Nabatid na nitong Lunes, Mayo 11, humarap sa Roxas City PNP si Ruther John Mistidio, 20-anyos, residente ng Brgy. Sibaguan dito sa lungsod at umaming siya ang isa sa mga lalake na nakikipag-away sa viral video.


Pinangalanan naman niya ang naka-engkwentro na si Leonard Brian Torrenueva na taga-Poblacion Norte, Ivisan, Capiz.

Aniya, nagsimula umano ang kanilang away noon pang high school at nito lamang Marso ay naghamon umano uli ng away si Torrenueva dahil sa galit at gusto niyang maghiganti.

Natagpuan naman ng kapulisan si Torrenueva at batay naman sa kaniyang pahayag, si Mistidio ang naghamon ng away kahit na nasa Amerika pa umano ito.

Ani Torrenueva, siya at ang kaibigan ni Mistidio ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan dahil umano sa babae pero nakisawsaw umano si Mistidio at naghamon ng away.

Pinabulaanan naman ng dalawa na may alam sila sa pustuhang naganap sa kanilang bakbakan. Tinatayang nasa 60-70 katao ang naroon para saksihan ang kanilang mainit na pagtatagpo.

Sa kabilang banda, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Posibleng maharap sa patong patong na paglabag sa quarantine at curfew ordinance ang mga sangkot sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *