Connect with us

Capiz News

Mga empleyado ng PHO at DOH sa Capiz sasailalim sa strict quarantine

Published

on

Sasailalim sa strict home or facility quarantine at sa kaukulang testing sa COVID-19 ang mga empleyado ng Provincial Health Office ng Capiz at maging mga empleyado ng Provincial Department of Health.

Kasunod ito ng ulat ng DOH 6 na isang 33-anyos na lalaking health worker ng Provincial Government na taga-Brgy. Milibili, Roxas City ang nagpositibo sa nasabing virus.


Kaugnay rito, sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Leah del Rosario na ihihinto muna ng PHO at Provincial DOH ang kanilang serbisyo mula ngayong araw Mayo 21 hanggang 27.

Sinabi naman ng Health Officer na para masigurong hindi maantala ang mahahalagang serbisyo at operasyon, pwede paring makontak ang kanilang mga program manager at iba pang mga tauhan.

Inabisuhan na ng tanggapan ang mga alkalde sa lahat ng munisipyo at lungsod dito sa probinsya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *