Connect with us

Capiz News

Malalaking sachet ng ‘shabu’ narekober ng PDEA6 sa Roxas City

Published

on

Narekober ng Philippine Drug Enforcement Agency-Capiz ang tatlong malalaking sachet ng shabu sa panibagong buybust operation sa Brgy. Inzo Arnaldo Village, Roxas City.

Arestado ang suspek na si Revy Rodwin Balgoma, residente ng Brgy. Cagay sa lungsod ding ito, isang drug surenderee.


Kinumpiska rin ng mga otoridad ang isang digital wieghing scale, iba pang drug paraphernalia habang narekober din mula sa suspek ang Php500 buybust money.

Ayon kay Agent Cornelio Espartero Jr. Provincial Officer ng PDEA-Capiz ikinasa nila ang operasyong umaga ng Miyerkoles matapos mapag-alaman na nagtutulak ng droga ang suspek.

Tikom naman ang bibig ng suspek sa mga tauhan ng media sa pagkaaresto sa kaniya.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa Roxas City PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *