Connect with us

Capiz News

Mahinang vaccination roll-out sa Roxas City, pinuna ng ilang konsehal

Published

on

photo Ronnie Dadivas FB

Pinuna ng ilang konsehal ng Roxas City ang mahinang vaccination roll-out sa syudad sa kanilang regular session nitong Martes.

Sa kaniyang privelege speech sa konseho, sinabi ni Konsehal Midelo Ocampo na marami ang gustong magpabakuna pero mahina ang roll-out ng vaccination.

Batay sa rekord na nakuha ng konsehal sa Provincial Health Office, mayroon pang nasa 10,000 available Pfizervaccine na nakalaan para sa syudad ang nasa freezer ng PHO na nakatakdang mag-expire sa Enero. Habang may nasa 19,000 umano ng nasabing vaccine ang nakalaan para sa 2nd dose para sa syudad.

Inaasahan rin aniya na may mga darating pang bakuna mula sa gobyerno nasyonal. Kaya iminungkahi nito na bawiin nalang ng city government ang pagbili ng bakuna. Gamitin nalang aniya ang Php60-M na pondo na nakalaan rito para ipantulong sa taumbayan.

Sa kaniya namang diskurso prebelihiyo, pinuri ni Konsehal Cesar Yap ang mabilis na vaccination sa syudad ng Iloilo at nanawagan kay Mayor Ronnie Dadivas na gumawa ng mga hakbang na mapabilis rin ang vaccination dito syudad.

Isa sa mga nakita ng councilor-doctor na rason kung bakit nasa 32% palang ang vaccinated sa syudad ng Roxas ay ang kakulangan ng magbabakuna at vaccination site. Makabubuti aniya kung maghire ng karagdagang vaccinator ang gobyerno lokal at kung pwede ay maswelduhan sila.

Napansin rin nito na may ilan paring mga health heath workers ang ayaw magpabakuna dahil sa takot.#

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *