Connect with us

Capiz News

Magtiyuhin arestado sa ‘pagtutulak’ ng iligal na droga sa Roxas City

Published

on

Arestado ang isang magtiyuhin sa drug buy bust operation na ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team ng Roxas City PNP sa Brgy. Tanque sa lungsod na ito umaga ng Miyerkoles, Marso 25.

Kinilala ang mga suspek na sina Carlo Roxas, 22 anyos at Justine Roxas, 19, mga residente ng nabanggit na lugar.


Nasabat sa kanila ang siyam na sachet ng pinaghihinalaang shabu at Php500 na buybust money.

Sinabi ni PMSgt. Ramil Arcangeles, tagapagsalita ng Roxas City PNP, matagal nang minamanman ng kapulisan ang mga suspek dahil sa kanilang iligal na gawain.

Nagsisilbi umanong drug-den ang kanilang bahay.

Nakakulong na ngayon sa Roxas City PNP ang dalawa at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *