Connect with us

Capiz News

Magsasaka, patay matapos tagain ng kainuman sa Pres. Roxas, Capiz

Published

on

Patay ang isang magsasaka matapos tagain ng kainuman sa Brgy. Goce, Pres. Roxas, Capiz gabi ng Miyerkoles.

 


Kinilala ang biktima na si Gregorio Bating Jr. habang ang suspek ay si Estelito Garcia, Jr., mga residente ng nasabing lugar.

 

Nabatid na magkasama ang biktima at ang suspek na nag-inuman sa bahay ng huli.

 

Ayon kay Rechie Bating, napag-alaman nalang nila kalaunan na patay na nakatatandang kapatid nito.

 

Nagtamo umano ng sugat ng taga sa likod na bahagi ng kaniyang leeg ang biktima dahilan ng kaniyang pagkamatay.

 

Wala namang nalalamang dating alitan ang kaniyang nakatatandang kapatid at ang suspek.

 

Hinahanap pa ng kapulisan ang tumakas na suspek habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa kaso.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *