Connect with us

Capiz News

Magsasaka arestado matapos mahulihan ng mga baril, mga bala sa Dumarao, Capiz

Published

on

Arestado ang isang magsasaka sa Brgy. Calapawan, Dumarao, Capiz matapos mahulihan ng mga baril at bala sa kanilang residensya.

Kinilala ang suspek na si Edralin Hospital, 46-anyos.

Ginulugad ng mga tauhan ng Dumarao PNP at ng Provincial Mobile Force Company ang bahay ng suspek Linggo ng umaga sa bisa ng search warrant.

Ibinaba ng Regional Trial Court, Branch 18 dito sa Roxas City ang search warrant laban sa suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions.

Narekober ng operatiba ang isang yunit ng 38 caliber revolver, isang yunit ng pistolized homemade single shot 20 guage shot gun, 12 gauge ammunition, at isang caliber 38 ammunition.

Pansamantalang ikinulong sa Dumarao PNP Station ang suspek at posibleng maharap sa kaukulang kaso.

Continue Reading
2 Comments

2 Comments

  1. Pingback: Free Hosting

  2. Pingback: AQWorlds

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *