Connect with us

Capiz News

Magsasaka aksidenteng nabaril ang kaniyang ari

Published

on

Sugatan ang isang magsasaka sa President Roxas matapos aksidenteng pumutok ang kaniyang baril at tumama sa kaniyang ari.

Kinilala ang biktima sa report ng Pres. Roxas PNP na si Teodorico Casabon, 58-anyos, residente ng Sitio Yuko, Brgy. Goce kung saan naganap ang aksidente hapon ng Martes.


Nabatid na habang isinusukbit nito ang sinasabing 357 magnum pistol sa kaniyang short sa harapan niya nang bigla itong pumutok.

Naputukan ang kaliwang bahagi ng ari ng biktima at lumabas ang bala sa likuran ng kaliwang paa niya.

Mabilis na isinugod sa Bailan District Hospital ang lalaki para gamutin pero kalaunan ay inilipat rin sa Roxas Memorial Provincial Hospital kung saan siya naka-confine ngayon.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang kapulisan para marekober ang nasabing baril.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *