Connect with us

Capiz News

MAGKASINTAHAN NAHULING NAGSI-SEX SA PAMPUBLIKONG CR SA PONTEVEDRA, CAPIZ

Published

on

Huli sa akto ang isang magkasintahan na nagtatalik sa CR ng Pontevedra Public Market nitong araw ng Martes.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo Capiz news team, edad 18-anyos ang lalaki habang 19 naman ang babae.

Sa panayam ni KaTodo Butchoy Gardose kay alyas Angelo, bantay ng CR, nakita umano niya ang babae na pumasok sa CR na panlalake kaya pinuna niya ito.

Itinuro umano niya ang CR na pambabae pero pumasok parin umano ito sa CR na panlalake.

Dahil rito umakyat umano sa CR si alyas Angelo at nakita niya na ang babae naka hubo’t hubad na habang ang pantalon naman ng lalaki ay nakababa na.

Ani alyas Angelo may nangyari na umano sa dalawa bago nila napansin na tinitingnan sila nito.

Mabilis umanong tumakbo ang lalaki habang naiwan naman ang babae. Tinulungan naman siya ng ilang kababaehan doon na makabihis saka mabilis na umalis sa lugar dahil sa kahihiyan.

Sinabi ng bantay na nasa pangatlong beses na umano nila itong ginagawa pero ngayon lang niya hinuli sa akto ang dalawa.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *