Connect with us

Capiz News

Mag-live-in partner kalaboso sa buybust operation sa Roxas City

Published

on

Kalaboso ang isang mag-live-in partner matapos maaktuhahan ng kapulisan na nagtutulak ng iligal na droga sa Tambis St., Brgy. Tiza, Roxas City umaga ng Lunes.

Kinilala ang mga arestado na sina June Laserna, 44-anyos at live-in partner nito na si Juvy Apolinario, 52, pawang mga residente ng Sitio Pagutok, Brgy. Milibili sa lungsod na ito.

Nasabat ng operating team mula sa mag-live-in ang 11 sachet ng pinaniniwalaang shabu, Php500 buybust money, isang cellphone at motorsiklo.

Nabatid na dati nang isinailalim sa buybust operation sa Brgy. Milibili ang lalaking suspek pero nakatakas umano ito.

Kulong sa Roxas City Police Station ang dalawa at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *