Connect with us

Capiz News

Mag-ina patay matapos makuryente sa Panay, Capiz

Published

on

Patay ang isang ina at ang anak nitong babae sa Brgy. Batao, Panay, Capiz matapos makuryente sa loob ng kanilang bahay.

Kinilala sa report ng Panay Municipal Police Station ang mag-ina na sina Ann Gonzales, 40-anyos, at Marie Stella Gonzales, 20.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, aksidenteng nahawakan ng ina ang open wire dahilan ng kaniyang pagkakuryente.

Tinangka ng anak na isalba ang kaniyang ina pero maging siya ay nakuryente rin.

Isinugod pa sa ospital ang dalawa subalit pareho silang dineklarang dead on arrival ng attending physician.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *