Connect with us

Capiz News

Lolo patay matapos tagain ng sariling kapatid sa Dumarao, Capiz

Published

on

Patay ang isang 64-anyos na lolo matapos tagain ng sariling kapatid sa Sitio Riverside Brgy. Ongol-Ilaya, Dumarao, Capiz.

 


Kinilala sa report ng Dumarao PNP ang biktima na si Freddie Barquillo habang ang suspek naman ay si Rogelio Barquillo, mga residente ng nabanggit na lugar.

 

Batay sa report ng kapulisan, sinarhan umano ng suspek ng pinto ang biktima matapos umuwi ang huli nang lasing sa kanilang bahay.

 

Sinira ng biktima ang pintuan ng bahay dahilan na ikinagalit ng suspek at pinagtataga ang kapatid ng makatatlong beses na tumama sa kaniyang ulo.

 

Kalaunan ay sumuko ang suspek sa kapulisan.

 

Ikinulong siya sa Dumarao PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *