Capiz News

Lolo patay matapos pagbabarilin ng isang dating guro sa Maayon, Capiz

Patay ang isang lolo matapos pagbabarilin ng isang dating guro sa Sitio Alawihaw, Brgy. Balighot, Maayon, Capiz umaga nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Percito Tolentino, 76-anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar. Kinilala naman ang suspek na si Pascual Dumagpi, 66, retired public school teacher at residente sang Poblacion Tabuc, sa parehong bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng Maayon PNP, papauwi ang biktima sakay ng kaniyang kalabaw nang harangin siya ng suspek at pinagbabaril ito ng makaapat na beses gamit ang .45 caliber.

Mabilis na tumakas ang suspek kasunod ng insidente.

Nagtamo ng ilang sugat ng pamamaril sa tiyan ang biktima. Mabilis itong dinala ng pamilya sa Bailan District Hospital para gamotin. Kalaunan ay nilipat siya sa Roxas Memorial Provincial Hospital pero binawian ito nang buhay habang ginagamot rito.

Pinaniniwalaan na away sa lupa ang sanhi ng krimen.

Patuloy na tinutugis ng kapulisan ang suspek.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

1 day ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

1 day ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

1 day ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago