Connect with us

Capiz News

Lolo patay matapos mabangga ng sasakyan sa Cuartero, Capiz

Published

on

Patay ang isang 67-anyos na lolo sa Cuartero, Capiz matapos mabangga ng isang Toyota Hillux habang tumatawid sa kalsada sakay sa motorsiklo.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Poblacion Ilaya umaga ng Lunes.


Kinilala sa report ng Cuartero PNP ang biktima na si Romeo Mayuga, residente ng Brgy. Malagab-i habang ang driver ng sasakyan ay si Aurelio Galorio, 48, residente ng Pavia, Iloilo.

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang biktima. Isinugod pa ito sa Dao District Hospital pero dineklara ring dead on arrival ng attending physician.

Nasa kostudiya naman ng kapulisan ang driver suspect habang iniimbestigahan pa ng kapulisan ang nangyari.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *