Connect with us

Capiz News

Lalaki tinadtad ng taga, patay sa Dumalag, Capiz

Published

on

Natagpuan nalang na wala nang buhay at tadtad ng taga sa katawan ang isang lalake sa Brgy. Sta. Rita, Dumalag, Capiz.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang biktima na si Michael Fuyunan, 36-anyos, walang trabaho, residente ng naturang lugar.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Dumalag PNP, umuwi umano sa kanilang lugar ang biktima sakay ng motorsiklo na menamaneho ni alyas JR nang sundan ito ng suspek.

Pinagbabato umano ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanilang bahay dahilan para dali-dali itong lumabas para mag-usisa subalit inaabangan na pala siya.

Pagdating sa labas ay tinambangan siya ng taga ng suspek sa iba-ibang bahagi ng katawan dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Ayon sa report ni KaTodong Butchoy Gardose, may sakit umano sa pag-iisip ang biktima at minsa’y nanghahabol bitbit ang itak.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo sa insidente at sa pagkakakilalan ng suspek para sa ikadarakip nito

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *