Connect with us

Capiz News

Lalaki sugatan matapos barilin ng kapwa magsasaka sa Sigma, Capiz

Published

on

Sugatan ang isang 54-anyos na lalaki matapos barilin ng kapwa niya magsasaka sa Brgy. Mansacul, Sigma, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Joseph Semino habang ang suspek ay kinilala namang si Leonedis Daulo, 41, mga residente ng nasabing lugar.


Batay sa inisyal na report ng Sigma PNP, naglalakad ang biktima kasama ang dalawang iba pa nang siya ay biglang binaril ng suspek.

Nagtamo ng tama ng baril ang biktima sa kaniyang kaliwang balikat tagos sa kaniyang dibdib.

Agad isinugod sa Mambusao District Hospital ang biktima para gamutin habang naaresto naman ng kapulisan ang suspek.

Dating alitan ang tinitingnang anggulo ng kapulisan sa motibo ng nasabing pamamaril.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Sigma PNP Station ang suspek at posibleng sampahan ng kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *