Connect with us

Capiz News

LALAKI PATAY MATAPOS MAG-OVERSHOOT ANG MENAMANEHONG MOTORSIKLO SA PANAY, CAPIZ

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos mag-overshoot ang kaniyang menamanehong motorsiklo sa kurbadang bahagi ng kalsada at bumangga sa isang puno ng mahogany sa Brgy. Buntod, Panay, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Joven Villanueva y Ubal, 31-anyos, residente ng nasabing lugar.


Todo Media Magazine

Ayon sa report ng Panay PNP, naganap ang insidente dakong alas-11:05 nitong gabi ng Martes habang menamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang nasabing biktima. Agad itong isinugod sa Roxas Memorial Provincial Hospital sa Roxas City pero dineklarang dead on arrival dakong alas-12:56 ng madaling araw.

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang insidente. (with report from KaTodong Butchoy Gardose)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *