Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos bumangga ang motor sa isang truck sa Panitan, Capiz

Published

on

Patay ang isang 26-anyos na lalaki matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang truck sa Brgy. Enseñagan, Panitan, Capiz.

Kinilala ang lalaki na si Jessie Dayalo, casual employee ng LGU Panitan, residente ng nasabing lugar.


Batay sa report ng Panitan PNP, papauwi na ang nasabing lalaki sa kanilang lugar gabi ng Miyerkoles nang maganap ang aksidente.

Umovertake umano ang motorista sa isang tricyle sa kaniyang unahan dahilan para bumangga sa kasalubong na elf truck.

Ang truck ay menamaneho ni Prudenciona Dadivas Jr., 49-anyos, residente ng Brgy. Tico, Panay, Capiz.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang driver ng motor at nagkaroon ng malubhang sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan at pagkabali ng kaliwang paa.

Agad itong isinugod sa Bailan District Hospital para magamot pero dineklara itong Dead on Arrival.

Nabatid na walang lesensiya sa pagbiyahe ang nasabing driver ng motor.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *