Connect with us

Capiz News

Lalaki natagpuang patay sa sapa sa Panitan, Capiz

Published

on

Isang lalaki ang natagpuang patay nitong umaga ng Sabado sa Sitio Agduduyan, Brgy. Capagao, Panitan.

Kinilala sa report ng Panitan PNP ang biktima na si Edgar Apostol, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, huli umanong nakita ang biktima dakong alas-10:00 ng gabi papauwi sa kanilang bahay matapos dumalo sa isang kasal.

Pinaniniwalaan na dahil sa lasing at madulas ang tulay na dinaraanan nito ay nahulog ang biktima sa sapa.

Natagpuan nalang ni Jonathan Comedia nitong umaga na nakataob at wala nang buhay ang lalaki sa sapa.

Nang suriin ng doktor, nakitaan ng sugat sa ulo ang biktima na posibleng tumama sa mabatong bahagi nang ito ay mahulog saka ito nalunod.

Walang nakikitang foul play sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *