Connect with us

Capiz News

Kilu-kilong karne ng baboy, kinumpiska at sinunog ng Roxas City Veterinarian Office

Published

on

Kinumpiska at sinunog ng Roxas City Veterinarian ang nasa 20 kilo ng mga karneng baboy dahil sa walang mga kaukulang dokumento.

Nagsimula ang operasyon ng tanggapan araw ng Huwebes sa talipapa sa Burgos Street at Brgy. Dayao sa lungsod na ito.


Ayon kay Dr. Roberto Dante Corros, City Veterinarian, napag-alaman na walang meat inspection certificate ang ilang tinitindang karne sa nasabing lugar.

Nabatid na wala ring inspection mula sa slaughterhouse ng syudad ang mga naturang karne.

Agad na kinumpiska ng grupo ni Dr. Corros dinala sa slaughterhouse, sinunog at nilibing.

Inaasahan na magtutuloy-tuloy pa ang operasyon ng tanggapan lalo na sa banta ng Swine Flu na kumakalat na ngayon sa ibang bahagi ng bansa.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *