Connect with us

Capiz News

Janitor sa Sigma Municipal Hall nakuryente, patay

Published

on

Patay ang isang janitor sa Sigma Municipal Hall matapos makuryente sa isang live wire habang nagpapasan ng tent o canopy.

Nakilala ang biktima na si Domingo Bacalangco, 69-anyos, residente ng Poblacion Sur, Sigma, Capiz.

Nakuryente rin ang mga kasama nito na sina Jose Allan “Jolan” Delco, 51, ng Poblacion Sur at Oliver Orera, 45, ng Brgy. Capuyhan sa nasabing bayan.

Naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga habang nagbubuhat ng canopy o tent ang tatlo para gamitin bilang paghahanda sa Pista ng mga Patay.

Umuulan nang maganap ang insidente. Hinubad umano ng biktima ang kaniyang tsinelas para hindi madulas dahil sa may mga tubig sa daanan.

Hindi nito napansin na may nakalawit na live wire mula sa mga nagwi-welding sa inaayos na bahagi ng munisipyo at sila ay nakuryente.

Agad na dinala ang tatlo sa Dao District Hospital subalit dineklarang dead on arrival si Bacalangco.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *