Connect with us

Capiz News

Fruit vendor arestado sa “pagtutulak ng droga” sa Roxas City

Published

on

Huli sa buy bust operation ang lalaking ito na kinilalang si Mark Orly Gabriel, 25-anyos, residente ng Brgy. San Jose, Roxas City.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Roxas City PNP at Provincial Drug Enforcement Unit Brgy. Cabugao sa lungsod ding ito.


Narekober ng mga otoridad ang isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na katumbas tinatayang Php13,000 ang street value. Nabili ito ng kapulisan kapalit ng Php8,000 buy bust money.

Narekober pa ng kapulisan ang isang yunit ng cellphone mula sa suspek at ang kaniyang motorsiklo.

Sa panayam ni KaTodong Ron Delicious kay PMSgt. Ramil Arcangheles, taga-pagsalita ng Roxas City PNP, sinabi nito na nasa dalawang linggo na nilang minamanman ang suspek.

Aniya newly identified ang suspek at kasama sa listahan ng Directorate for Intelligence.

Sa ngayon, nakakulong na sa Roxas City PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso habang inaalam na ng kapulisan ang mga kasama nito sa iligal na gawain.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *