Connect with us

Capiz News

Fish vendor hinold-up ng 3 lalaki sa Tapaz; Php24K natangay ng mga suspek

Published

on

Hinold-up ang isang fish vendor sa Brgy. Agpalali, Tapaz, Capiz hapon ng Biyernes habang papauwi sa kanilang lugar sakay ng motorsiklo.

Kinilala ang biktima na si Arnold Labrador, 40-anyos, residente ng nasabing lugar.


Pinangalanan ng biktima ang mga suspek na sina Ariel, 23-anyos, Jerry, 19, at Jeirel Olog, 28, mga residente ng Brgy. Roxas sa parehong bayan.

Batay sa salaysay ng biktima sa mga otoridad, binangga umano ng mga suspek ang kaniyang motorsiklo at tinutukan siya ng  baril, isang caliber 45 at isang single shot 12 gauge shot gun habang siya ay pinalilibutan.

Naganap ang insidente sa nabundok na bahagi ng Sitio Malansa kung saan mapapansin na malayo pa ang mga bahay sa naturang lugar.

Mabilis na tumakas ang mga suspek tangay ang Php24,000 halaga ng pera na kinita umano ng biktima sa pagbibenta niya ng isda sa araw na iyon.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa mga opisyal ng Barangay at sa mga tauhan ng CAFGU na nakatalaga sa lugar subalit hindi na nila naabutan ang mga suspek sa kanilang pagresponde.

Patuloy na nagsasagawa ng hot pursuit operation ang Tapaz PNP sa ikadarakip ng mga suspek. (with report from KaTodong Butchoy Gardose)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *