Connect with us

Capiz News

Fish vendor binaril, patay sa Pontevedra, Capiz

Published

on

Patay ang isang fish vendor matapos barilin ng tatlong kalalakihan sakay ng motorsiklo sa Brgy. Yatingan, Pontevedra, Capiz umaga ng Linggo.

Kinilala ang biktima na si Igmedio Fuentes, 50-anyos, residente ng Brgy. Tuburan, Maayon sa probinsiya ding ito.

Batay sa ulat ng Pontevedra PNP, sakay ng isang pick-up ang biktima kasama ang pamangkin nito na si Benjie Dillera, 30, nang maganap ang pamamaslang.

Ayon kay PSSg. Rhea Batuigas, imbestigador, mula sa kanilang residensya ang dalawa at patungo sanang bayan ng Pres. Roxas para kumuha ng mga paninda.

Sa hindi inaasahan, may napadaan umanong isang motorsiklo sakay ang tatlong kalalakihan kung saan agad nilang binaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Nagtamo ng malubhang sugat sa dibdib ang biktima. Isinugod pa ito sa Bailan District Hospital pero hindi na umabot pa ng buhay.

Narekober sa crime scene ang isang fired cartridge ng 9MM.

Lumalabas sa imbestigasyon na dalawa sa mga suspek ang nakabonet at isa ang nakasombrero.

May inisyal na na pangalan ang kapulisan sa isa sa kanila at pinaghahanap na ito sa ngayon.

Ayon sa ilang residente sa lugar, nakarinig lamang umano sila ng putok at paghingi ng saklolo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa motibo sa krimen at sa pagkakakilalan ng dalawa pang suspek.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *