Connect with us

Capiz News

First COVID-19 victim ng Capiz, nakarecover na

Published

on

Lubos ang pasasalamat ng kauna-unahang Coronavirus 2019 o COVID-19 victim ng Capiz mula sa bayan ng Jamindan matapos nakarecover na ito sa nasabing sakit.

Ibinahagi ni Ronnie Dela Torre De Juan sa kaniyang social media account ang kaniyang lubos na pasasalamat una sa Panginoon, pangalawa sa mga taong tumulong sa kaniya sa panahon ng matinding pagsubok.


“THANKS TO THE LORD! REJOICE IN THE LORD ALWAYS! Ako kag ang akon pamilya hugot gid nga naga pasalamat sa GINOO nga ako naka fully recover na sa ginatawag nga COVID-19 as I was re-tested and the result came back negative. I AM NOW FREE OF COVID19!” pagbabahagi niya sa kaniyang Facebook page ngayong Palm Sunday.

Emosyonal niyang isinulat sa social media na bagaman hindi niya hiningi, mabuti na raw na siya ang natamaan nang nasabing sakit kesa sa iba na walang kakayahan para makarekober.

“Wala ko man ini ginpangayo, pero mas gusto ko na lang nga ako ang gintamaan sang ini nga sakit kesa ang iban nga wala sang kabakod para batuan ini,” saad pa ng 45-anyos na COVID-19 survivor.

Pinuri rin niya sa kaniyang post ang mga doktor at nurses ng Roxas Memorial Provincial Hospital (RMPH) at Western Visayas Medical Center (WVMC) sa Iloilo na maiging nagbantay sa kaniya hanggang sa ito ay gumaling.

“Salamat man sa mga tawo nga naghatag sa akon sang kusog kag kabakod paagi sa emotional, physical nga aspeto kag ilabi nagid sa ispiritual, tuman gid ka dako ang akon pasalamat sa inyo tanan,” pahayag pa niya.

Lubos ang kaniyang pasasalamat sa Panginoon sa pagpapagaling sa kaniya. Hiling niya sa Panginoon na huwag nang dumami ang kaso ng COVID-19 kabilang na sa lalawigan ng Capiz.

Matatandaan na noong Marso 24, inanunsiyo ng gobyerno probinsiyal ang resulta ng laboratory test mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nagpositibo sa virus ang nasabing lalaki na may travel history sa Maynila.

Umuwi ito ng probinsiya noong Marso 4 at noong Marso 16 ay itinuring na Person Under Investigation (PUI) matapos sumailalim sa konsultasyon medikal sa isang pribadong doktor. Kalaunan ay inirefer siya sa RMPH at sa WVMC para sa kaukulang paggamot.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *