Connect with us

Capiz News

Don Chiyuto sa kaniyang mga investors: ‘wala kayong dapat ipag-alala’

Published

on

Naglabas ng pahayag si Patrocenio Chiyuto o mas kilala bilang Don Chiyuto sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkoles na walang dapat ipag-alala ang kaniyang mga investors kasunod ng pagdeklara nito ng ‘holiday’ break.

 


“Wala po kayong dapat ipagalala. Ang ‘short holiday’ na ito ay para lamang mas matutukan ko personally ang LAHAT NG LEGALITIES na kailangan asikasuhin sa mga concerned government agencies,” saad niya.

 

Pinasiguro pa nito na magreresume ang operasyon ng kaniyang investment company. “Rest assured na pag magresume ang operations natin, WALA NANG KAHIT ANO PANG ABERYA, TULOY TULOY ANG LIGAYA”.

 

Si Don Chiyuto ay may ari ng Chiyuto Creative Wealth Document Facilitation Services na may opisina sa Brgy. Cagay, Roxas City at nakilala sa lungsod at sa Capiz sa kaniyang mga kawanggawa at “double your money” investment.

 

Mababatid na una nang naglabas ng advisory si Chiyuto noong Martes na simula sa parehong araw ay magkakaroon muna ng pansamantalang ‘holiday’ ang kaniyang kompaniya.

 

Humingi naman ito ng konsiderasyon, kaunting panahon at suporta sa kaniyang mga taga-sunod para ayusin ang mga dokumento na kailangang isumite ng kaniyang kompaniya.

 

“Ito po ay panandalian lang upang maisaayos natin ang lahat. Bigyan natin nang sapat na panahon ang ating mga lokal na ahensya,” bahagi ng kaniyang Facebook post.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *