Connect with us

Capiz News

Dating kapitan sa Ivisan, Capiz arestado sa kasong rape

Published

on

Arestado ang isang dating kapitan sa Brgy. Mianay, Ivisan, Capiz matapos ireklamo ng rape sa isang menor de edad.

Kinilala ang akusado na si William Once y Abisan alyas “Ayam”, 71-anyos, may-asawa at dating Punong Barangay, residente ng nabanggit na lugar.


Siya inaresto ng mga tauhan ng Ivisan PNP sa pangunguna ni PCpt. Leomindo Tayopon, sa bisa ng warrant of arrest.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (b), Article III of RA 7610 at Rape under Article 266-A, Par. 1 (d) of Revised Penal Code ang naturang suspek.

Walang piyansa na itinakda ang korte para sa pansamantala niyang paglaya.

Ang warrant kontra sa suspek ay binaba at nilagdaan ni Hon. Esperanza Isabel Poco-Deslate, Acting Pres. Judge RTC, 6th Judicial Region, Branch 14 dito sa Roxas City nito lang Marso 20.

Pansamantalang nakakulong sa lock-up cell ng Ivisan PNP Station ang akusado at nakatakdang iturn-over sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *