Connect with us

Capiz News

Dalawang motorsiklo nagbanggaan sa Pilar, Capiz; mga driver sugatan

Published

on

Nagtamo ng sugat sa ulo at iba-ibang bahagi ng katawan ang dalawang driver matapos magbanggaan ang kanilang mga motorsiklo sa Brgy. Natividad, Pilar, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Jayson Bedeo, 30-anyos, residente ng Brgy. San Nicolas habang kinilala naman ang suspek na si Rommel Bayaban, 43, residente ng Brgy. Poblacion.


Naganap ang aksidente hapon ng Linggo, Marso 15.

Batay sa imbestigasyon ng Pilar PNP, nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo ang suspek binabaybay ang kahabaan ng Brgy. San Blas pero pagdating sa national highway sa Brgy. Natividad ay nabangga niya ang kasalubong na motorsiklo na menamaneho ng biktima.

Agad na dinala ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO sa Jesus Colmenares District Hospital Balasan, Iloilo ang mga sangkot sa aksidente.

Nasa pangangalaga ngayon ng kapulisan ang mga motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *