Connect with us

Capiz News

Dalawang magkakapatid na menor de edad patay matapos malunod sa ilog sa Dao

Published

on

Patay ang dalawang menor ded edad na magkakapatid matapos malunod sa ilog sa Brgy. Matagnop, Dao, Capiz habang naliligo.

Kinilala sa report ng Dao PNP ang dalawa na sina Bea, 13-anyos, at Lalyn Alteza, 8, pawang mga residente ng naturang lugar.


Batay sa paunang ulat ng kapulisan, dakong alas-2:00 ng hapon ay nagpunta sa ilog ang magkakapatid sa Panay River sa Sitio Balud para maligo.

Pinaniniwalaang napunta sa malalim na bahagi ng ilog ang dalawa dahilan para malunod ang mga ito.

Romesponde ang mga opisyal ng barangay sa lugar, kapulisan, mga tauhan ng Dao Emergency Response Team at Bureau of Fire   Protection para magsagawa ng search and rescue.

Unang natagpuan ang katawan ng otso-anyos na batang babae dakong 4:38 P.M. habang narekober naman ang katawan ng 13-anyos na ate niya dakong 5:05 P.M.

Agad na isinugod sa Dao District Hospital ang magkakapatid pero dineklara itong Dead on Arrival ng attending physician.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *