Connect with us

Capiz News

Dalawang katao nabiktima ng pangho-hold-up sa Pontevedra, Capiz

Published

on

Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa sinasabing pangho-hold-up na naganap sa Brgy. Sublangon, Pontevedra, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Aileen Apuang, 37-anyos, ng Brgy. Bato, Roxas City at Gerald Ape, 26, residente ng Brgy. Lawaan sa syudad na ito.


Ayon sa report ng Pontevedra PNP, sinasabing natangay ng mga suspek mula sa dalawang biktima ang isang cellphone, pera at ilang mga dokumento.

Sakay umano sa kanilang motorsiklo ang mga nasabing biktima nang bigla silang banggaan ng dalawang suspek na nakasakay din ng motorsiklo.

Matapos umanong banggaan ay tinutukan sila ng baril ng mga suspek pagkatapos ay mabilis na tumakas tangay ang cellphone, pera at ilang mga dokumento ng mga biktima.

Ayon sa mga biktima, nakasuot ng jacket ang parehong mga suspek at nakaface-mask kaya hirap silang makilala ang mga itsura ng mga ito.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *