Connect with us

Capiz News

DALAWA ARESTADO SA BUYBUST OPERATION SA BRGY. TIZA, ROXAS CITY, CAPIZ

Published

on

Arestado sa drug buybust operation ang isang lalake at isang babae sa Block 1, Malipayon Village, Brgy. Tiza, Roxas City gabi ng Miyerkoles.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang mga suspek na sina Nestor Dumulong, 32-anyos, at Lanie Sonico, 41, mga residente ng nabanggit na lugar.


Nakuha ng mga kapulisan mula sa mga suspek ang limang sachet ng pinaghihinalaaang shabu, Php1,000 buybust money at ilang drug paraphernalias.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU).

Nakakulong ngayon sa Roxas City PNP Station ang dalawa at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *