Connect with us

Capiz News

Dahil sa baha, lalaki nakuryente-patay sa Pres. Roxas

Published

on

Patay ang isang lalaki sa bayan ng President Roxas, Capiz matapos makuryente sa loob ng kanilang bahay ngayong umaga ng Lunes, Hulyo 6.

Kinilala sa ulat ng Pres. Roxas PNP ang biktima na si Junrel Ballon, 48-anyos, isang driver, residente ng Brgy. Poblacion.


Batay sa paunang ulat ng kapulisan, naglilinis ang biktima sa kanilang bahay dahil sa baha na dala ng malakas na pag-ulan nang maganap ang insidente.

Sinubukan umanong bunutin ng biktima ang nakasaksak na male connector nang bigla itong nakuryente at natumba sa binabahang sahig.

Mabilis siyang isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng Pres. Roxas MDRRMC sa Bailan District Hospital pero dineklara rin itong dead on arrival.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *