Connect with us

Capiz News

Criminology student na babae patay sa aksidente sa motorsiklo sa Dumarao, Capiz

Published

on

Patay ang isang 20-anyos na estudyante matapos maaksidente ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Brgy. Astorga, Dumarao, Capiz gabi ng Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Christelyn Villance, 2nd year Criminology student, residente ng Brgy. Mahunodhunod, Cuartero, Capiz.


Ayon sa report ng Dumarao PNP galing sa Sitio Tacay sa Brgy. Astorga ang biktima sakay ng motorsiklo na menamaneho ng kaniyang ama na si Cesar Villance, 45-anyos.

Pagdating sa pinangyarihan ng aksidente, nawalan ng kontrol ang driver ng motorsiklo matapos iwasan ang taong naghihila ng motor sa kalsada.

Dahil rito natumba sa konkretong kalsada ang motorsiklo ng mag-ama. Agad isinugod ang mga ito sa Senator Gerardo M. Roxas Memorial District Hospital sa Dumarao, Capiz.

Makalipas ang ilang sandali ay binawian ng buhay ang babae kasunod ng malubhang sugat na natamo nito sa katawan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *