Connect with us

Capiz News

COMPUTER SHOP SA RIZAL ST., BARANGAY VII, ROXAS CITY MUNTIK NANG MATUPOK SA SUNOG

Published

on

Muntik nang matupok sa sunog ang isang Piso Net shop sa Rizal St., Brgy. VII, Roxas City.

Nabatid na nagsiga ng basura sa likod ng shop ang may-ari na si Jose Asignacion, 65-anyos, dakong alas-5:00 nitong hapon. Hindi nito inaasahan na aabutin pala ng apoy ang kanyang shop.

Nasa limang computer ang nasunog.

Mabilis na rumesponde ang mga bombero ng Roxas City at naapula ang apoy.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente habang inaalam pa ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *