Connect with us

Capiz News

CAPIZ MAY PANIBAGONG COVID-19 SURVIVOR

Published

on

Inanunsiyo ngayong gabi ni Governor Nonoy Contreras na may panibagong survivor ng coronavirus 2019 o COVID-19 ang probinsiya ng Capiz.

Aniya, nakatakdang lumabas sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang pasyente sa Abril 20 matapos gumaling na sa nasabing sakit.


Sinabi naman ng gobernador na bagaman makalabas na ito ng ospital, sasailalim parin sa mahigpit na home quarantine ang pasyente.

Mababatid na mayroong limang kumpirmadong kaso ng nakamamatay na virus ang naitala sa Capiz kung saan isa rito ang namatay.

Sa ngayon dalawa na sa mga biktima ang napagtagumpayan ang laban sa COVID-19 at dalawa pa ang patuloy na ginagamot.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *