Connect with us

Capiz News

BRGY. KAGAWAD ARESTADO SA PAGPAPATAYA NG STL BOOKIES

Published

on

Arestado sa pagpapataya ng STL Bookies ang isang barangay kagawad sa Poblacion Norte, Sigma, Capiz.

Kinilala ang suspek na si Wenefredo Villaruz, 57-anyos, STL agent, residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report ng Sigma PNP, nahuli nila sa akto ang naturang kagawad na tumatanggap ng taya sa STL Bookies na may scheme na “Pick 2” mula sa isang poseur buyer na isang pulis.

Narekober sa eksena ang isang improvised cotejo, taya na Php1168, isang bundle ng mga cotejo, at ballpen.

Nakakulong ngayon sa Sigma PNP Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9287.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit sa pamumuno ni PMaj. Francisco Paguia and PLt. Merry Chris Dela Cruz, CIDG Capiz, at PFU sa pamumuno ni PMaj. Chris Arthemius Devara at Sigma PNP sa pamumuno ni PLt. Reynaldo Lata.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *