Connect with us

Capiz News

Bodega ng poultry farm ni Cong. Castro nasunog; pinaniniwalaang sinunog ng mga NPA

Published

on

Bahagyang nasunog ang bodge ng poultry farm ni Capiz 2nd District Congressman Fredinil Oto Castro sa Brgy. San Agustin, Dumalag, Capiz araw ng Miyerkoles.

 


Pinaniniwalaang mga miyembro ng CPP-NPA ang nagsunog sa bodega.

 

Ayon kay PCapt. Leomindo Tayopon, hepe ng Dumalag PNP, nasa sampong armadong mga indibidwal ang pumasok sa farm habang lima naman ang nagsisilbing look-out sa lugar.

 

Nagbabala pa umano ang mga ito na susunugin ang nasabing poultry farm kapag hindi susundin ni Castro ang kanilang kagustuhan kabilang na ang paglutas sa problema sa mabahong poultry farm at problema sa sweldo ng kaniyang mga empleyado.

 

Nag-iwan ng tinatayang Php35,000 danyos ang nasabing sunog. Wala namang naiulat sa insidente.

 

Tinutukoy na ng mga otoridad ang mga may kagagawan sa nangyaring sunog.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *