Capiz News

Barangay treasurer, hinold-up sa Dao, Capiz

Isang barangay treasurer sa Dao, Capiz ang hinold-up ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Brgy. Malonoy sa nasabing bayan.

Kinilala ang biktima na si Evelyn Das Estonina, 45-anyos, residente ng Brgy. Centro.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang biktima nang bigla nalang itong banggaan ng dalawang mga suspek sakay rin ng motorsiklo.

Nagtanong umano ang isang babaeng suspek sa biktima kung saan ang daan papuntang bayan ng Maayon saka lumapit ang lalaking suspek at tinutukan siya ng patalim sa kaniyang tagiliran.

Dito na nagdeclare ng hold-up ang mga suspek at kinuha ang bag ng biktima na may lamang nasa Php32,635 na pera at cellphone.

Mabilis na tumakas ang mga suspek kasunod ng insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

20 mins ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago