Connect with us

Capiz News

Bahay naabo sa sunog sa Roxas City; dalawa pa partially-damaged

Published

on

Naabo ang isang bahay habang dalawa pa ang bahagyang nasunog sa Alvarez St., Barangay X, Roxas City gabi ng Lunes.

Ayon sa report ng Roxas City Fire Station, ang nasabing bahay ay pagmamay-ari ni Jenalyn Alejaga, residente ng nasabing lugar.


Nadamay rin ang dalawang kalapit-bahay nito na bahagyang nasunog. Ang mga ito ay pagmamay-ari nina Joven Quirao at Wennie Anonoy.

Tumagal ng halos 15 minuto ang nasabing sunog.

Ayon sa Roxas City Fire, tinatayang Php150,000 ang pinsalang iniwan ng nasabing sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga bombero sa sanhi ng sunog.

Sa kabilang banda, isang bahay rin ang nasunog sa parehong gabi sa San Roque St., Brgy. Inzo sa lungsod ding ito.

Partially-damaged ang bahay ni Lorna Demayuga.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinaniniwalaang napabayaang nakasinding kandila ang sanhi ng insidente

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *