Connect with us

Capiz News

Bahay naabo sa sunog sa Pontevedra, Capiz

Published

on

Naabo sa sunog ang isang bahay sa Sitio Pulo-Pulo, Brgy. Agbanog, Pontevedra, Capiz.

Ang bahay ay pagmamay-ari ni Raffy Villareña, 39-anyos, isang mangingisda at residente ng nasabing lugar.


Todo Media Magazine

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Pontevedra, naganap ang insidente Nobyembre 1, dakong alas-7:00 ng gabi pero hindi agad naireport sa kanila.

Napag-alaman na umalis ng bahay ang may-ari kasama ang tatlong anak nito para pumunta sa kanilang kamag-anak ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay para magdiwang ng Undas.

Nagulat nalang ang pamilya na tinutupok na ng apoy ang kanilang bahay. Wala namang nasaktan sa insidente.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng BFP-Pontevedra, faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na nag-iwan ng nasa Php64,000 halaga ng pinsala.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *