Connect with us

Capiz News

Bagong silang na sanggol natagpuang patay sa ilalim ng kubo sa Sapian, Capiz

Published

on

Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan na wala nang buhay sa ilalim ng kubo sa Sitio Talingting, Brgy. Poblacion, Sapian, Capiz nitong Sabado.

Ayon sa report ng Sapian PNP, ang sanggol na isang babae ay unang nakita ni Ramel Aldea, 50-anyos, residente ng nasabing lugar.


Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, galing sa fishpond si Aldea nang makita nito ang sanggol dahilan para agad siya humingi ng tulong sa mga otoridad.

Hindi pa tiyak kung paano napunta ang bata sa ilalim ng kubo. Pinaniniwalaan na inanod ito o posibleng ring itinapon mismo ang sanggol sa lugar.

Inilibing na ang nasabing sanggol habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Sapian PNP hinggil sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *