Connect with us

Capiz News

APARTMENT SA TANQUE, ROXAS CITY PARTIALLY BURNED SA SUNOG

Published

on

Bahagyang nasunog ang isang apartment sa Tanque Ilawod, Roxas City dahil sa sunog dakong alas-3:30 ng madaling araw nitong Martes.

Kinilala ang may-ari ng apartment na si Mary Chris Amellian.

Nabatid na nagmula ang sunog sa isang abandunadong kuwarto. Sinasabing nasa labas ng bansa ang may-ari ng nasabing kuwarto.

Naagapan kaagad ang sunog matapos magtulungan ang ibang mga boarders na apulahin ang apoy sa pagsaboy ng tubig.

Naapula na ang apoy bago dumating ang mga bombero.

Nag-iwan ng nasa Php350,000 danyos ang naturang sunog.

Maswerteng walang nasugatan sa insidente.

Advertisement

Nag-iimbestiga pa ang mga bombero sa sanhi ng sunog.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *