Connect with us

Capiz News

Anak ng namatay na COVID19 positive sa Culasi, Roxas City nagpositibo rin sa virus

Published

on

Isang panibagong kaso na naman ng COVID-19 ang naitala sa Roxas City, Capiz batay sa pahayag ni Mayor Ronnie Dadivas nitong umaga ng Lunes.

Ang 44-anyos na pasyente ay taga Sitio Sakop, Culasi at anak na lalaki ng napatay na COVID19 positive nitong mga nakalipas na araw.


Asyntomatic ang lalaki at naka-quarantine ngayon sa Hortus Botanicus.

Mababatid na isinailalim ng Roxas City government sa lockdown ang Sitio Sakop, Culasi makaraang magkaroon ng local transmission sa nasabing lugar.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 45 kabuuang kaso ng COVID-19 ang lungsod kung saan 22 rito ang aktibo, 20 naman ang gumaling na habang tatlo ang namatay.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *