Connect with us

Capiz News

ABANDONADONG MOTORSIKLO, NAREKOBER SA JAMINDAN, CAPIZ

Published

on

Isang abandonadong motorsiklo ang narekober ng kapulisan sa Sitio Garcia, Brgy. Pangabat, Jamindan, Capiz hapon ng Sabado.

Ayon sa report ng Jamindan PNP, pinaalam umano sa kanila ni dating Punong Barangay Lino Calixterio na mayroong abandonadong motorsiklo sa nasabing lugar.


Todo Media Magazine

Agad namang rumesponde sa lugar ang ilang tauhan ng Jamindan PNP sa pamumuno ni PEMs Ma. Elen Fe Tayopon.

Narekober nila sa lugar ang isang Honda XRM 110, kulay itim, walang plaka. Kapansin-pansin na ang ibang bahagi ng motorsiklo ay nawawala.

Nasa kostudiya ngayon ng Jamindan PNP Station ang nasabing motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.